Northeasterly windflow magpapaulan pa rin sa Batanes, Babuyan Islands

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na nakakaapekto ang Northeasterly windflow na nanggagaling sa Hilagang-Silangan.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Meno Mendoza, magdadala ang naturang weather system ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Samantala, magiging maaliwalas pa rin ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Ngunit, sinabi ni Mendoza na posible pa ring makaranas ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Sinabi rin ng weather bureau na walang inaasahang bagyo na maaring makaapekto sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Read more...