BREAKING: 6,943 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

Mahigit 6,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (October 18), pumalo na sa 2,727,286 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 68,832 o 2.5 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 6,943 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

79.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.5 porsyento ang asymptomatic; 8.42 porsyento ang moderate; 4.5 porsyento ang severe habang 1.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 86 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 40,761 o 1.49 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 19,687 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,617,693 o 96.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...