DA hiniling ni Sen. Migz Zubiri na kumilos sa pagtaas ng presyo ng abono

Nanawagan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Department of Agriculture na kumilos ngayon sumisirit ng husto ang presyo ng mga abono sa bansa.

 

Ayon kay Zubiri isa na naman itong nakakadagdag pa sa mahirap ng sitwayon ng mga magsasaka.

 

Banggit ng senador nahihirapan nang makaagapay ang mga magsasaka sa malaking gastos sa produksyon ng palay, ngunit mababa lamang ang ‘farmgate prices.’

 

“Ang dami pong lumalapit sa akin na farmers’ groups and cooperatives lately, nanghihingi ng tulong dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng fertilizers,” Zubiri said. “Ang baba na nga ng benta ng produkto nila, tapos ang mahal pa ng fertilizer. And with no support from the government, hindi na po talaga sila kikita,” himutok ni Zubiri.

 

Una nang sinabi ni Fertilizer and Pesticide Authority Executive Director Wilfredo Roldan na ang malaking pangangailangan sa abondo sa buondo mundo ang dahilan ng pagtaas ng presyo nito.

Nabatid na halos dumoble na sa ngayon ang presyo ng mga abono.

 

“Hindi pa nga nakaka-recover ang mga magsasaka natin, lalo pa silang malulugi sa presyo ng farm input. And of course, that will affect the whole chain. It will put our farmers out of business, and it will definitely set us back in our efforts to become more self-sufficient in our production. Aasa na naman ba tayo sa imports?” tanong ng senador.

 

Aniya dapat ay kumilos ang DA para magkaroon ng lokal na industriya ng abono sa bansa at diin niya itinuturing pa naman na ‘agricultural country’ ang bansa.

 

 

Read more...