7,772 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ngayong araw

Aabot sa 7,772 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw, October 16.

Ayon sa talaan ng Department of Health, nasa 2,713,509 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 85,048 ang aktibong kaso.

Nasa 81.7% ang mild, 6.3% ang aymptomatic, 6.87% ang moderate, 3.6% ang severe, at 1.5% nasa critical condition.

Nasa 156 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Ayon sa DOH, nasa 40,580 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.

 

Read more...