P1.74 bilyong halaga ng agrikutlura nasira ng Bagyong Maring

Umabot na sa P1.74 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa Bagyong Maring.

Ayon sa Department of Agriculture, aabot sa mahigit 56,000 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, at Soccsksargen.

Kabilang sa mga nasalanta ng bagyo ang mga pananim na palay, mais, high value crios, palaisdaan, irigasyon at agri-facilities.

Tiniyak naman ng DA na may nakaantabay na pondo para ayudahan ang mga magsasaka.

 

 

Read more...