Hidilyn Diaz engaged na sa boyfriend na si Julius Naranjo

AFP photo

Engaged na si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Ito ay matapos mag-propose ang kanyang boyfriend at conditioning coach na si Julius Naranjo.

Sa Instagram post ni Diaz, pinasasalamatan nito ang lahat ng naging kasabwat ng kanyang kasintahan para amging matagumpay ang proposal.

Malaki ang pasasalamat sa Panginoon ni Diaz dahil ibinigay sa kanya si Naranjo.

Batid aniya ng iba kung ano ang mga naging sakripisyo ni Naranjo  para masungkit niya ang gintong medalya sa weightlifting.

 

Read more...