Pag-iral ng Hanging Habagat, tapos na

DOST PAGASA Facebook photo

Inanunsiyo ng PAGASA ang termination ng pag-iral ng Southwest Monsoon o Habagat.

Sa inilabas na pahayag, base sa kanilang analyses, namataan ang paghina ng Southwest Monsoon nitong nagdaang mga araw.

Sa halip, lumalakas naman ang high pressure area sa mainland Asia na magreresulta sa unti-unting pagpapalit ng season.

Sa ngayon, nasa transition period na ang bansa sa pagsisimula ng pag-iral naman ng Northeast Monsoon o Amihan.

Bunsod nito, asahan na unti-unti nang mararamdaman ang paglamig ng panahon sa bansa.

Samantala, magpapatuloy pa rin ang pagkakaroon ng La Niña sa bansa.

Babala ng weather bureau, maaring magdulot ang pinagsanib-pwersang Amihan at La Niña ng malakas na pag-ulan, pagbaha at rain-induced landslides.

Read more...