ITCZ magpapaulan pa rin sa Luzon, Visayas

DOST PAGASA satellite image

Umiiral pa rin ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Luzon at Visayas.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, magdudulot pa rin ang nasabing weather system ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Metro Manila, Palawan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, CALABARZON, Western Visayas, at magin sa Northern Mindanao.

Sa nalalabi namang parte ng bansa, asahan pa rin ang isolated rainshowers bunsod ng localized thunderstorms.

Base sa monitoring ng weather bureau, walang inaasahang papasok o mabubuong bagyo sa loob ng teritoryo ng bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Read more...