BREAKING: 7,625 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas

Mahigit 7,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (October 15), pumalo na sa 2,705,792 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 78,999 o 2.9 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 7,625 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

80.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.4 porsyento ang asymptomatic; 7.38 porsyento ang moderate; 3.9 porsyento ang severe habang 1.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 203 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 40,424 o 1.49 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 13,363 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,586,369 o 95.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...