Amerikanong wanted dahil sa pangmomolestya, arestado sa Mandaluyong

Inquirer file photo

Arestsdo ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) ang 48-anyos na Amerikanong wanted sa New York, USA dahil sa sex-related crime sa isang menor de edad.

Ayon kay BI FSU Chief Rendel Sy, nahuli si Francisco Loreno sa isang hotel sa Ortigas, Mandaluyong City, kasunod ng mission order na inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente, noong Huwebes.

Agad inilabas ang order matapos matanggap ang impormasyon ukol sa kaso ni Loreno.

“He is an undesirable alien and poses a risk to public safety, as he is a wanted criminal in the US,” saad ni Morente.

Dagdag nito, “Fugitives, especially those wanted for crimes against minors, are not welcome in our country. We will make sure that these kinds of aliens are deported and banned from setting foot in the Philippines.”

Nakakulong si Loreno sa BI Warden Facility sa Taguig City habang hinihintay ang deportation nito.

Read more...