DPWH, ipagpapatuloy ang weekend road reblocking

Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang reblocking at repairs sa ilang kalsada sa weekend.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (October 15).

Apektado ng naturang aktibidad ang C.P Garcia H. Ocampo Street Hanggang Francisco Street (3rd at 4th lane mula sa sidewalk).

Maari namang madaanan ng mga motorista ang nasabing kalye bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (October 18).

Abiso sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta sa kasagsagan ng aktibidad.

Read more...