Pag-obliga sa mga Filipino na magpaturok ng COVID-19 vaccine, hindi na kailangan ng batas

Manila PIO photo

Hindi na kailangan ng batas para obligahin ang mga Filipino na magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagamat marami na ang suplay ng bakuna, marami na sa mga Filipino ang nagkaka-interes na magpabakuna.

Mas makabubuting ubusin na muna aniya ang mga bakuna sa mga nais magpabakuna bago pag-isipan na bumalangkas ng batas para gawing mandatory.

Una rito, nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat na turukan habang natutulog ang mga ayaw magpabakuna.

Read more...