Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (October 14), pumalo na sa 2,698,232 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 84,850 o 3.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 7,835 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
77.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.6 porsyento ang asymptomatic; 7.01 porsyento ang moderate; 3.6 porsyento ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 154 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 40,221 o 1.49 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 5,317 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,573,161 o 95.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.