Halos kalahati ng mga Filipino ang naniniwala na delikado na maglathala o magpahayag ng anumang kritikal sa gobyerno kahit totoo.
Base ito sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na ikinasa noong Setyembre 12 hanggang 16 at may 1,200 respondents sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Nabatid na sa tanong na, “ It is dangerous to print or broadcast anything critical of the administration, even if it is the truth?, 45 porsiyento ang sumang-ayon.
May 29 porsiyento naman ang hindi nakasagot at may 19 porsiyento ang hindi sang-ayon.
“This gives a net agreement score of +26, classified by SWS as moderate. This is a six-point rise from the moderate +20 in June 2021,” ayon sa SWS.
Sa mga terminolihiya ng SWS ang +50 and above ay “very strong,” +30 – +49 ay “strong,” +10 – +29 ay “moderate,” +9 to -9, “neutral”; -10 to -29, “poor”; -30 to -49, “weak”; -50 pababa naman ay “very weak.’
Sa mga sumang-ayon, pinakamarami sa Visayas (+31), sinundan ng Balance Luzon (+28), Mindanao (+23) at Metro Manila (+17).