Tumanggi siyang pangalanan ang kanyang ‘senatoriables’ bagamat aniya tatlo ay mula sa Liberal Party at ang iba ay mula sa ibat-ibang sektor na ng lipunan.
Ginawa niya ito sa isang virtual membership meeting ng isang international service organization.
“We have already finalized our slate, I have not been authorized to reveal it first, but after we announce our senatorial slate you will see, our slate is composed of representatives from many different parties,” sabi ni Robredo.
Ito aniya ay patunay ng kanyang hangarin na pag-isahin ang oposisyon.
Sinabi nito na ang pagtakbo niya sa pagka-pangulo bilang independent bagamat siya pa rin ang chairperson ng Liberal Party ay pagpapakita ng pagiging ‘bukas’ para sa lahat.
Base sa mga naglabasang ulat, kasama na sa line-up sina Sen. Leila de Lima, Atty. Chel Diokno at dating Rep. Teddy Baguilat, gayundin si Akbayan Sen. Risa Hontiveros.