Ayon sa Bureau of Fire Protection, isang babae naman ang nasugatan sa sunog.
Ayon sa BFP, nagsimula ang sunod bandang 7:00, Miyerkules ng gabi (October 13), at umabot sa ikalawang alarma.
Tinatayang 100 bahay ang nasunog dahilan para mawalan ng tahanan ang 194 pamilya.
Nasa P700,000 halaga ng mga ari-arian ang naabo.
Sinabi naman ni Manila Mayor Isko Moreno na nasa Baseco Evacuation Site ang mga nasunugan.
Binigyan na ng ayuda ang mga nasunugan.
Kabilang sa mga ibinigay na tulong ang pagkain, modular tents, kumot at iba pa.
MOST READ
LATEST STORIES