22 kalsada na naapektuhan ng Bagyong Maring, bukas na

Binuksan na sa mga motorista ang 23 national road sections na naapektuhan ng Bagyong Maring.

Ayon sa Department Public Works and Highways (DPWH), 10 kalsada ang hindi pa maaring daanan, base sa datos hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (October 14).

Kabilang sa nasabing bilang ang anim na kalsada sa Cordillera Administrative Region, isa sa Region 1, dalawa sa Region 2 at isa sa Region 7 bunsod ng soil collapse, debris flow, landslide, nasirang tulay at pagbaha.

Sa ngayon, umabot sa P575.07 milyon ang halaga ng napinsalang imprastraktura bunsod ng bagyo, kung saan P486.76 milyong halaga ang nasira sa mga kalye at tulay sa CAR, P45 milyon sa Region 1, at P43.31 milyon sa Region 2.

Read more...