Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 239.94 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 239.94 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 239,944,477 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 45,547,920 cases.

Sumunod na rito ang India na may 34,020,730 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 21,597,949 naman ang kaso sa Brazil habang 8,272,883 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 7,861,681
– Turkey – 7,540,223
– France – 7,069,089
– Iran – 5,742,083
– Argentina – 5,268,653
– Spain – 4,980,206
– Colombia – 4,975,656
– Italy – 4,707,087
– Germany – 4,354,487
– Indonesia – 4,231,046
– Mexico – 3,738,749

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,889,440 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 217,298,230 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...