1,600 na walang trabaho sa QC, nabigyan ng hanapbuhay

Aabot sa 1,600 na walang trabaho sa Quezon City ang nabigyan ng hanapbuhay ng Tupad program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Quezon City Councilor Marvin Rillo, pawang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya sa COVID-19 ang nakapasok sa Tupad program.

Iminungkahi rin ni Rillo na mas makabubuting isantabi muna ang pagsasagawa ng proyektong imprastraktura.

Dapat kasi aniyang unahin ang pagbibigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng pandemya sa halip na magpatayo ng mga kalsada, waiting shed multi-purpose at iba pa.

Mas mahalaga kasi aniya ang healthcare facilities, gamot, at pagbibigay ng trabaho.

Read more...