Bello, kakandidatong senador kung kakandidatong pangulo si Mayor Sara Duterte

Maaring kumandidatong senador ng bansa si Labor Secretary Silvestre Bello III kung tatakbong pangulo ng bansa si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Bello, nagkausap sila ni Mayor Sara, araw ng Miyerkules (October 13).

Gayunman, hindi na tinukoy ni Bello kung saan ginanap ang pag-uusap at kung ano ang napag-usapan.

Naniniwala si Bello na si Mayor Sara ang nakikitang magandang lider ng bansa.

Una rito, sinabi ni Bello na hindi niya isinasantabi ang posibilidad na tumakbong senador bilang substitute sa kanyang kapatid na si Silvestre Bello Jr. na naghain ng kandidatura noong October 7 sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban).

Giit ni Bello, kung uukol ay bubukol.

Sinabi pa ni Bello na kung magpapasya mang tumakbong senador, ang problema ng mga manggagawa na nawalan ng trabaho ang kanyang magiging plataporma.

Pero sa ngayon, naka-focus na muna siya sa kanyang trabaho bilang kalihim ng Department of Labor and Employment.

Read more...