Sa kabila ng matinding pananalasa ng bagyong Maring sa Cagayan, walang COVID 19 vaccines ang napinsala.
Ito ang tiniyak ni Col. Darwin Sacramed, ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ayon kay Sacramed may stand-by power generators ang mga lokal na pamahalaan na maaring magamit sakaling mawalan ng suplay ng kuryente sa mga bodega kung saan nakaimbak ang mga bakuna.
Ibinahagi din nito sa Laging Handa public briefing na wala pa silang natanggap na ulat mula sa mga lokal na pamahalaan na may problema sa mga bakuna.
Naibalik na ang suplay ng kuryente sa lalawigan, maliban na lamang sa ilang barangay sa ilang bayan.
MOST READ
LATEST STORIES