P2B nawala sa ‘paluwagan’, mga biktima nagpasaklolo sa NBI, PNP

 

Halos 300 residente ng Bohol ang humingi ng tulong sa PNP – Criminal Investigation and Detection Group para mabawi ang halos P2 bilyon na kanilang ipinuhunan sa ‘paluwagan.’

 

Hiniling na ni Bohol Gov. Arthur Yap sa PNP at National Bureau of Investigation na imbestigahan ang modus.

 

Ang Provincial Legal Office ay naatasan na rin na tulungan ang mga nabiktima ng tinatawag na ‘repa’ o ‘paluwagan.’

 

Nabatid na may 50 din na taga-Davao Region ang nabiktima ng modus.

 

Sinabi ni Simplicoo Sagarino, ng Anti-Scam Unit ng Davao City, may mga namuhunan ng hanggang P10 milyon

 

Pinangakuan ang mga biktima ng mataas na interes sa pera na kanilang ipupuhunan.

Read more...