Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), 7,181 ang naitalang karagdagang kaso ngayon araw.
May 82,411 active cases na 3.1 porsiyento ng kabuuang bilang na 2,690,455.
Nakapagtala naman ng karagdagang 6,889 sa bilang ng mga gumaling, samantalang panibagong 143 ang namatay sa sakit.
Sa mga aktibong kaso, 75.3 porsiyento ang may mild symptoms, 12,1 porsiyento ang asymptomatic, 1.6 porsiyento ang kritikal, 3.7 porsiyento ang severe at 7.25 porsiyento naman ang nasa moderate condition.
Ayon sa DOH, bumababa na ang kaso sa ilang rehiyon sa bansa at may positibong pagbabago na rin sa healthcare utilization rate.
Ngunit paalala pa rin ng kagawaran na patuloy na istriktong sumunod sa minimum health protocols at kinakailangan na agad matukoy at ma-isolate para magamot ang mga madidiskubreng taglay ang nakakamatay na sakit.