COCs ng babae na gustong maging bise-presidente at senador kinansela

Natuldukan na ang pangarap ng isang babae na makalahok sa 2022 national and local elections.

 

Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkansela sa certificates of candidacy (COCs) ng isang Arlene Josephine Butay.

 

Ninais ni Butay na tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo at senador.

 

“Under the law and Comelec regulations, a candidate who files a COC for two or more positions shall not be eligible for any of them,” ayon kay Dir. James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec.

 

Nabatid na inihain ni Butay ang kanyang dalawang COC’s noong nakaraang Biyernes, Oktubre 8, ang huling araw nang pagsusumite ng COC at certificate of nomination and acceptance (CONA).

 

Sa datos ng Comelec, 97 ang naghain ng COC sa pangkapangulo, 29 sa pagka-pangalawang pangulo at 176 sa pagka-senador.

 

Samantala, may 270 partylist groups naman ang naghain ng kanilang CONA.

Read more...