Paggamit sa Diyos sa depensa sa rape case hindi kinagat ng Korte Suprema

Hindi pinatulan ng Korte Suprema ang paggamit pa ng isang convicted rapist sa ngalan ng Panginoon sa pangangatuwiran nito sa kanyang nagawa sa isang 15-dalagita sa Laguna noong 2006.

 

“Parang ginusto po ng Diyos. Pinagtagpo sa kami sa aming bahay. Pag namatay ay muling nabubuhay.Yan ang nabasa ko sa Bibliya. Parang ganun,” ang depensa ng lalaki.

 

Sinabi pa nito na maaring may kapansanan sa pag-iisip ang biktima, na aniya ay kanyang karelasyon.

 

Nadiskubre ang panghahalay nang mabuntis ang dalagita at itinuro nito sa kanyang ina ang responsable sa kanyang sitwasyon.

 

Idinagdag pa ng lalaki na siya ang sinuyo ng biktima at aniya ilang beses silang nagtalik at nangyayari ito sa tuwing nangangailangan ng pera ang dalagita.

 

Nasentensiyahan ng mababang korte ang lalaki at umapila sa Court of Appeals, na pinagtibay ang hatol sa kanya, gayundin ng Korte Suprema.

Read more...