Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos, ang 12:00 ng hating-gabi hanggang 4:00 ng madaling araw na curfew hours ay sinang-ayunan ng lahat ng 17 mayors na bumubuo sa Metro Manila Council (MMC).
Aniya, ang desisyon ng konseho ay base sa pagbaba ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila.
“Everything is going down. The number of COVID-19 cases are declining as well as the reproduction rate, according to DOH data and OCTA Research. In light of the recent developments particularly the steady decrease of active cases, the curfew hours being presently implemented in the NCR under Alert Level 4 has to be adjusted,” sabi ni Abalos.
Sa pilot testing ng bagong COVID-19 alert system, 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw ang curfew hours sa Metro Manila sa pagpapairal ng Alert Level 4.
Araw ng Lunes, Oktubre 11, iniulat ng Department of Health (DOH) na malaki ang naging kabawasan ng COVID-19 active cases sa Metro Manila dahil sa mga ginagawang hakbang ng mga lokal na pamahalaan.