Base sa record hanggang 1:00, Martes ng hapon (October 12), iniulat ng Department of Public Works and Highways Bureau of Maintenance (DPWH-BOM) ang 24 national road sections, kabilang ang 17 sa Cordillera Administrative Region, tatlo sa Region 1, tatlo sa Region 2 at isa sa Region 7 dahil sa bumagsak na puno, landslide, pagbaha, tuluy-tuloy na mudslides at nasirang tulay.
Tanging mabibigat na sasakyan naman ang pwedeng dumaan sa Manila North Road, K0333+000, Sta. Cruz-Sta. Lucia Bdry, K0347+000, Candon, at K0369+800, Brgy. Baliw Daya, Sta Maria sa Ilocos Sur; at Manila North Road, K0287+800 sa La Union dahil sa pagbaha.
Maari pa ring daanan sa light vehicles ang Batangas-Tabangao-Lobo Road, Sta.138+150 hanggang 145+400 sa Batangas dahil sa nasirang seawall at road slip bunsod ng mga nagdaang bagyo.