Bunsod pa rin ito ng Severe Tropical Storm Maring.
Sa maritime safety advisory hanggang 12:00, Martes ng tanghali (October 12), stranded ang 40 pasahero sa mga pantalan sa Southern Tagalog.
Maliban dito, stranded din ang limang vessels, walong motorbanca sa nasabing rehiyon.
Ayon sa PCG, nakararanas ng moderate to rough sea condition sa Southern Tagalog.
Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.
Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).