Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (October 12), pumalo na sa 2,683,371 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 82,228 o 3.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 8,615 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
73.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 14.2 porsyento ang asymptomatic; 7.28 porsyento ang moderate; 3.8 porsyento ang severe habang 1.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 236 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 39,896 o 1.49 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 25,146 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,561,248 o 95.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.