38,512 na bata, nagparehistro para sa COVID-19 vaccination sa Manila

Umabot na sa 38,512 na bata sa Maynila ang nagparehistro para magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, sa naturang bilang, 12,919 ang mula sa Districts 1 at 2; 4,399 sa District 3; 7,305 sa District 4; 8,242 sa District 5; at 5,647 sa District 6.

Kabilang sa mga babakunahan ang mga bata na nag-eedad 12 hanggang 17 anyos.

Sa October 15, magsisimula ang pagbabakuna sa mga bata.

Gagawin ito sa National Children’s Hospital; Philippine Heart Center; Fe Del Mundo Medical Center; Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City; Pasig City Children’s Hospital; Philippine General Hospital; Makati Medical Center; at St. Luke’s Medical Center sa Taguig.

Read more...