Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (October 12), 40,940 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,193 ang aktibo pang kaso.
155 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 39,626 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 121 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES