Lagpas 4.87 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,872,880 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 734,611.
Sumunod na rito ang Brazil na may 601,266 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 450,991 naman ang death toll sa India habang 282,227 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 217,372
– Peru – 199,703
– Indonesia – 142,716
– United Kingdom – 137,763
– Italy – 131,335
– Colombia – 126,655
– Iran – 122,868
– France – 117,082
– Argentina – 115,491
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 239,038,730 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 216,299,449 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.