Signal Number 2 nakataas pa rin sa lang lugar sa Norte dahil sa Tropical Storm Maring

 

 

Palayo na ng extreme Northern Luzon ang Tropical Storm Maring.

Base sa 8:00 am advisory ng Pagasa, namataan si Maring sa 230 kilometers west ng Calayan, Cagayan.

Taglay ni Maring ang hangin na 100 kilometers per hour at pagbugso na 125 kilometers per hour.

Kumikilos si Maring sa westward direction sa bilis na 25 kilometers per hour.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa:

-Batanes

-Cagayan including Babuyan Islands

-northern portion ng Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Mallig, Quezon)

-Apayao

-Kalinga

-Mountain Province

-Abra

-Ilocos Norte

-Ilocos Sur

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa:

-natitirang bahagi ng Isabela

-Nueva Vizcaya

-Quirino

-Ifugao

-Benguet

-La Union

-Pangasinan

-Aurora

-Nueva Ecija

-Tarlac

-Zambales

-Pampanga

-Bulacan

-northern portion ng Bataan (Samal, Morong, Dinalupihan, Abucay, Orani, Hermosa)

– northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama na ang Polillo Islands

Makararanas ngayong araw, October 12 ng malakas nap ag-ulan ang Ilocos Region, Benguet, Ifugao, Abra, at Mountain Province.

Katamtamana hanggang s amalakas nap ag-ulan ang maaring maranasan sa Zambales, Bataan, Tarlac, at natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region.

Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility si Maring ngayong umaga o mamayang hapon at maaring mag-landfall sa bisinidad ng Hainan, China bukas ng gabi.

 

Read more...