67 pang overseas Filipino, tinamaan ng COVID-19

May 67 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 11, nasa 23,384 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 103 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 8,332 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

118 naman ang bagong gumaling kung kaya 13,663 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala namang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,389 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 13,120 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,651 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 1,036 naman ang kaso sa Americas at 5,577 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...