Saad ng mambabatas, higit na makakapanghikayat sa mga Pilipinong magpabakuna ng COVID-19 vaccine.
Hindi problema ang posibilidad na may mananalo sa pa-raffle ng Department of Health (DOH) para sa mga bakunado ngunit ang problema ay partikular sa mga ordinaryong manggagawa na kailangang lumiban sa trabaho para makapagpabakuna.
Kapag nag-absent sa trabaho ang isang manggagawa para magpabakuna, wala itong makukuhang sweldo lalo na sa mga “no work, no pay”.
Punto pa ng kongresista, mahalagang mapalitan ang araw na nawalang kita sa isang manggagawa dahil kahit may pakulong pa-raffle para mahimok ang mga taong magpabakuna, ang isang araw na walang sahod ay malaking kawalan na sa isang ordinaryong mamamayan.
Nauna nang inirekomenda ni Salceda na bigyan ng vaccine incentive katumbas ng sahod ng isang araw na minimum wage ang mga magpapabakuna.
Inihalimbawa pa nito ang Davao City na nagbibigay na ng ganitong insentibo sa mga nagpapabakuna.