Base sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 105 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Aparri, Cagayan o 120 kilometers Silangan Timog-Silangan ng Calayan, Cagayan dakong 4:00 ng hapon.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 2:
– Batanes
– Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– Northern portion ng Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Mallig, Quezon)
– Apayao
– Kalinga
– Mountain Province
– Abra
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
Signal no. 1:
– Nalalabing parte ng Isabela
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Ifugao
– Benguet
– La Union
– Pangasinan
– Aurora
– Nueva Ecija
– Tarlac
– Zambales
– Pampanga
– Bulacan
– Northern portion ng Bataan (Samal, Morong, Dinalupihan, Abucay, Orani, Hermosa)
– Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama ang Polillo Islands, at Calaguas Islands
Ayon sa PAGASA, magdadala ang bagyo ng mabigat na buhos ng ulan sa Batanes, northern portion ng mainland Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Mountain Province, at Benguet.
Katamtaman hanggang mabigat na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa nalalabing parte ng mainland Cagayan, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region.
Sa bahagi naman ng Central Luzon at bahagi ng Cagayan Valley, iiral ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan.
Bunsod nito, nagbabala ang weather bureau na maaring makaranas ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Dahil naman sa pagpapalakas ng bagyo sa Southwest Monsoon, sinabi ng PAGASA na posibleng magkaroon ng monsoon rains sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro sa susunod na 24 oras.
Base sa forecast ng weather bureau, maaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Martes ng umaga, October 12.