Higit 1,000 piraso ng dinamita ng NPA nadiskubre sa hukay sa Bukidnon

ARMY 4TH INFANTRY DIVISION PAO PHOTO

Sa pagbubuyag ng isang dating rebelde, nadiskubre ng puwersa ng gobyerno ang 1,076 piraso ng mga dinamita sa Sitio Malinao, Barangay Kalasungay sa Malaybalay City, Bukidnon.

Kasama din sa narekober ang isang anti-personnel mine.

Ayon sa dating rebelde na si Ka Gaspar ang mga ibinaon na dinamita ay gagamitin sa paggawa ng anti-personnel mine.

Si Ka Gaspar ay dating squad leader ng North Central Mindanao Regional Committee.

Nabatid na balak ng mga rebelde na gamitin ang mga pampasabog laban sa mga sundalo na nagsasagawa ng operasyon sa kabundukan ng Bukidnon.

Gagamitin ang mga nakuhang dinamita bilang ebidensiya sa pagsasampa ng mga kinauukulang kaso laban sa mga rebelde.

 

Read more...