Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (October 11), pumalo na sa 2,674,814 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 98,894 o 3.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 8,292 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
74.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 15.0 porsyento ang asymptomatic; 6.14 porsyento ang moderate; 3.2 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 36 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 38,660 o 1.48 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 302 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,536,260 o 94.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.