Pangulong Duterte, walang exposure kay Mayor Sara Duterte na magpositibo sa COVID-19

PCOO photo

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na ligtas si Pangulong Rodrigo Duterte sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Security Group commander Colonel Randolph Cabangbang, hindi na-expose o walang exposure ang Pangulo sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na nagpositibo sa COVID-19.

Wala aniyang dahilan para mag-isolate ang Pangulo.

Una rito, pinayuhan ng kampo ni Mayor Sara ang mga nakasalamuha na mag-self isolate at magpasuri kung nahawaan ng virus.

Huling public appearance ng Pangulo ay noong Biyernes, October 8 kung saan sinamahan ng Punong Ehekutibo ang mga senatorial candidate ng administrasyon na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Read more...