103 pang pulis, gumaling na sa COVID-19

Nasa 40 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (October 11), 40,887 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,292 ang aktibo pang kaso.

103 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 39,474 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 121 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...