Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 238,652,927 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 45,204,373 cases.
Sumunod na rito ang India na may 33,971,607 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 21,575,820 naman ang kaso sa Brazil habang 8,154,306 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 7,775,365
– Turkey – 7,444,552
– France – 7,056,511
– Iran – 5,702,890
– Argentina – 5,265,859
– Spain – 4,973,619
– Colombia – 4,972,236
– Italy – 4,700,316
– Germany – 4,329,382
– Indonesia – 4,227,932
– Mexico – 3,723,235
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,867,295 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 215,856,036 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.