Karagdagang 411 Delta variant cases ng COVID 19 naitala ng DOH

Inaunsiyo ng Department of Health (DOH) na may karagdagang 411 Delta variant cases silang naitala base sa mga samples na nakolekta nila nitong mga nakalipas na buwan.

Sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, nakakolekta ng 747 samples noong Pebrero, Abril, Mayo, Agosto at Setyembre at ang mga ito ay na-‘sequenced’ noong Oktubre 8.

Sa mga nakolekta, 411 o 55 porsiyento ang lumabas na Delta variant, 88 o 11.8 porsiyento ang Alpha variant at 78 o 10.4 porsiyento naman ang Beta variant.

Nabanggit din ng tagapagsalita ng DOH na sa 16,399 samples na ‘na-‘sequenced’ noong Oktubre 8, 14,517 o 88.52 porsiyento ang may ‘lineages.’

At aniya dito sa may ‘lineages,’ 69.2 porsiyento ang positibo sa Alpha, Beta at Delta variants.

Read more...