Dahil wala pa rin face-to-face classes bunga ng pandemya, nakaisip ng paraan si Senator Cynthia Villar para may pagka-abalahan sa mga paaralan.
Ayon kay Villar makakabuti na maipatupad sa mga paaralan ang Gulayan sa Tahanan o Urban Vegetable Gardening at Home bilang bahagi ng ‘Brigada Eskuwela.’
Ngayon taon, ang naisip na kontribusyon ni Villar sa ‘Brigada Eskuwela’ ay ang pamamahagi ng mga buto ng ibat-ibang gulay na maaring itanim sa mga paaralan sa bansa.
“This is my humble way of joining the Brigada Eskuwela– giving them seeds and organic fertilizers from my composting and vermi-composting facilities which they can plant in the school compounds,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture and Food.
Bukod dito naihain n ani Villar ang Senate Bill No. 147 na layon magkaroon ng ‘instructional gardens’ sa lahat ng mga elementary at secondary schools sa bansa at aniya layon nito na mapagtibay pa ang ‘Gulayan sa Paaralan’ program.
Katuwiran ng senadora sa ganitong paraan ay makakatipid sa pagkain ang mamamayan, bukod pa sa nakakatiyak sila na may makakain silang masusustansiyang pagkain.