11 timbog sa P1.7M halaga ng shabu sa Makati City drug den

PDEA PHOTO

Labing-isang suspected drug personalities ang inaresto sa isang hinihinalang drug den sa Makati City.

Ikinasa ng mga ahente ng PDEA – NCR, PDEA – Central Luzon at Makati City police ang operasyon sa Barangay La Paz.

Kinilala ang mga naaresto na sina Ma. Carmita Gonzales, ang sinasabing maintainer ng drug den; Emmie Leynes, Rosmel Dupitis, Erwin Lucero, Rex Peterson, Irene Bacolod, Jehan San Juan, Criseldo Gonzales, Leah Perez, Reyna Raeli, at Jonathan Moras.

Nakuha sa kanila ang 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon at mga drug paraphernalia.

Kakasuhan sila ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...