Aabot sa 11,010 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, Oktubre 9, 2021.
Ayon sa Department of Health, nasa 2,654,450 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit.
Sa naturang bilang, 2,508,387 ang bilang ng mga gumagaling.
Nasa 106,558 ang aktibong kaso.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.0% (106,558) ang aktibong kaso, 94.5% (2,508,387) na ang gumaling, at 1.49% (39,505) ang namatay.
Nasa 273 na naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi ngayong araw.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 7, 2021 habang mayroong dalawang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
MOST READ
LATEST STORIES