55 katao patay sa suicide bombing sa Afghanistan

 

Patay ang 55 katao matapos ang suicide bombing sa Shiite mosque sa Afghanistan.

Ayon sa ulat, ito na ang pinakamadugong insidente sa Afghanistan simula nang umalis ang pwersa ng Amerika noong Agosto.

Kabilang sa mga nasawi ang mga menor de edad.

Aabot sa mahigit 50 iba pa ang nasugatan sa pagsabog.

Agad namang nanawagan si UN chief Antonio Guterres na bigyang hustisya ang mga nasawi sa pagsabog.

 

Read more...