Hindi na itinuloy ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagkandidato sa pagka-senador sa 2022 elections.
Paliwanag ni Tugade, maraming rason ang kanyang ikinunsidera.
“I decided not to file my certificate of candidacy (COC) for multiple reasons,” pahayag ni Tugade.
Marami pa kasi aniyang trabaho ang kailangan na tapusin sa Department of Transportation.
“One of which is by not filing my COC, I can emphasize that the efforts of the Department of Transportation (DOTr) in finishing projects are not, in any way, in aid of election. It is just in doing and completing what we sincerely and honestly think is good for the country, the people, and the sambayanan,” pahayag ni Tugade.
“Tuloy ang trabaho sa pagtatapos ng proyekto. Tuloy ang pagtawag pansin sa mga tamang gawa,” dagdag ng kalihim.
Malaki naman ang pasasalamat ni Tugade sa mga sumuporta sa kanya.
“Maraming maraming salamat po sa tiwala, suporta at dasal. Sana po ay tuloy-tuloy ito hanggang matapos ang mga proyekto,” pahayag ni Tugade.
Matatandaang isa si Tugade sa mga inindorso ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumandidato sa pagka-senador.