Napanatili ng Tropical Storm Maring ang lakas habang kumikilos sa west northwestward sa Philippine Sea.
Base sa 11:00 am advisory ng Pagasa, namataan ang sentro ng Tropical Storm MAring sa 820 kilometers East ng Virac, Catanduanes.
Taglay ni Maring ang hangin na 85 kilometro kada oras at pagbugso na 105 kilometro kada oras.
Kumikilos si Maring sa west northwestward sa 15 kilometro kada oras.
Ngayong araw, October 9, nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Catanduanes, Eastern Visayas, at Dinagat Islands.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa northern portion of Palawan kasama na ang Calamian at Cuyo Islands, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Bicol Region, Caraga, at Visayas ngayong araw.