Naghain na ng kandidatura sa pagka-mayor ng Manila si dating Police General Elmer Jamias o mas kilala bilang Barako ng Maynila.
Plataporma ni Jamias, ituloy ang mga programang nasimulan ni Manila Mayor Isko Moreno.
Halimbawa na ang paglaban sa korupsyon at pagkakaroon ng transparency sa gobyerno.
Ayon kay Jamias ang mahigit tatlong dekadang serbisyo sa pambansang pulisya ang kanyang sandalan para mapagsilbihan ang mga taga-Manila.
Naniniwala si Jamias na hindi matatawaran ang kanyang malinis na record.
Sinabi pa ni Jamias na kaya siya tumakbong mayor ng Manila dahil na rin sa kahilingan at paniniwala sa kanyang kakayahan na mapagsilbihan ang mga residente sa lungsod.
Tatakbo si Jamias sa ilalim ng Peoples Reform Party na partido ng namayapang si Senador Miriam Defensor Santiago.
Si Jamias ay nahirang na Outstanding Manileno noong 1999.
Naisapelikula rin ang buhay ni Jamias na Barako ng Maynila noong 2000.