Pamilya ni SP Tito Sotto ikinagulat ang pagtakbo ni Sen. Kiko Pangilinan sa ‘VP race’

Hindi inaasahan ng pamilya ni Senate President Vicente Sotto III ang pagsabak din sa ‘vice presidential race’ ni Senator Francis Pangilinan.

Ang maybahay ni Pangilinan, si Sharon Cuneta, ay pamangkin ni Helen Gamboa – Sotto, maybahay ni Sotto.

Kilalang malapit si Cuneta sa pamilya Sotto.

Si Sen. Sotto ay Setyembre pa inanunsiyo ang pagsali sa ‘vice presidential race’ at si Sen. Panfilo Lacson naman ang kanyang standard-bearer.

“We were expecting anybody,” sabi ni Sotto nang tanungin siya sa kanyang naging reaksyon sa pagtakbo ni Pangilinan.

Ibinahagi ni Sotto na si Senate Minority Leader Frank Drilon ang tumawag at unang nagsabi sa kanya na si Pangilinan ang runningmate ni Vice President Leni Robredo.

Ibinahagi pa nito na sa kanyang pagkakaalam tinanggihan ni Drilon maging ni Kris Aquino na maka-tandem si Robredo sa 2022 elections.

Dagdag pa nito, tinawagan din siya ni Pangilinan.

Ngunit, sinabi ni Sotto na nasorpresa at ipinagtaka ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang maybahay ang pagsali ni Pangilinan sa vice presidential derby.

“I think one of my daughters told her, so when I got home alam na niya. Surprise sina Helen, nagtataka but you better ask them,” sabi ni Sotto.

Read more...